UP Fair 2009
Okay, last year as a student called for last fair as a student. Now I've attended at least one UP Fair event for each of my four years as a UP Student. Haha.
Sige na, sige na wag piliting mag-inggles. Kakagising mo lang.
LOL.
Ayun. UP Fair. Di dapat ako pupunta, pero bilang andun naman yung mga kaklase ko, e di sige, game lang. Magkakasama kami nina Richard, Martin, Yanis, Adeo, Magi, Rufa, Keith at Tekla. Naghihintay na sa may Main Lib si Ena nung dumating kami.
Ayun, sige, bili ng tickets. Medyo marami-rami mga tao pero sige lang kasi di naman rin kami makakapunta kinabukasan. Pagkabili ng tickets pila na kami. Magkahiwalay pila ng lalake't babae, pero bilang ayaw naman rin namin magkawaktak-watak pagdating sa loob, kasama na naming pumila sa pila ng lalake sina Tekla, Rufa at Ena. Humiwalay sandali sina Deo at Magi samin. Habang nakapila, dumating si Christ. Kasama na nga rin pala namin si Brando nito pero di ko na maalala kung san namin sya nakita.
Pila. Sige. Pila. Kakapila pa lang namin, nagkayayaan nang kumain muna. Bumili sina Yanis at Martin ng pagkain.
Pila pa rin. Sige lang. Pagbalik nila kain kami. Unti-unting gumagalaw ang pila. Sweet and Sour... something... yung pagkain namin. Pakiramdam ko chicken yun eh. So ayun. Tapos kumain, pila parin. Maya-maya, bumili sina Chad at Ena ng tubig.
Pila lang ng pila. Dumating si Mian saka ate nya (na di ko maalala ang pangalan. Sorry). Kwentuhan lang habang nakapila. Kasama na rin pala namin sa pila sina Leo at mga kaibigan nya.
Isa
Dalawa
Tatlo.
Pila.
Tatlong oras kaming nakapila bago kami nakapasok sa fair grounds. Laganap ang singitan dun sa bandang harap. Kahit sa gilid namin eh. Pero kung akala nila masisingitan nila kami, kapal ng mukha nila. Walang nakasingit sa grupo namin. May ilang sumubok. Wala silang napala.
Ayan, sa loob, diretso kami sa likod. Nakapagpa-libre si Tekla ng ride sa Caterpillar o kung ano man tawag dun. Basta yung mabilis na umiikot lang at di pumepreno sa humps. Pero mabagal lang sya sa simula. Tapos bumilis. Tapos bumilis. Tapos bumilis. Tapos bumilis. Tapos naiipit nako kasi dumulas na si Rufa papunta saken dahil sa bilis. Masakit sa lalamunan ang rides.
Tapos nun, ikot ikot lang kami. Hanap ng matatambayan habang nakikinig sa concert. Di rin naman namin gaanong mapanood kasi ang layo namin sa stage. May net na nga pala stage ngayon. Last year kasi nagbabatuhan yung mga skwa-kwa ng bote eh, me mga lumilipad sa stage. May mga dalang glow sticks si tekla. Ginawa naming bracelets kanina. Ngayun pinaglalaruan na namin. Parang yung mga magbabato ka ng hoops sa mga bote tapos dapat ma-shoot. Ang kaso yung apat na glow stick na pinagdugtong-dugtong e dapat ibato mo sa tao at ma-shoot sa ulo. Panalo si Martin. Sya me pinakamaraming shoot.
Habang naka-tambay,tinigil sandali ang event para pagsabihan yung mga skwa-kwa sa labas na wag gibain yung bakod. Mga ulul kasi sila eh. Ayun, matapos yun, balik sa concert.
Balik naman kami sa rides. Nakapagpa-libre ulit si Tekla. sa Tsubibo naman. Magkakasama kami nina Deo, Magi at Tekla. Hayop na tsubibo yan ang bilis ng ikot. Pero ang ganda ng view mula sa taas. Nakakahilo lang pero ayos. Tapos nun, ikot ikot lang ulit. Maya-maya magkakasama nanaman kaming lahat.
Magulo na sa labas. Iwas na kami sa may entrance. Balik muna kami sa may rides. Eto pinakamaluwag na lugar eh. Si Martin naman nakapagpa-libre ng ride. Tsubibo ulit. Kasama namin sina Yanis at Rufa. Mabilis parin yung tsubibo pero tahimik nalang ako. Sabi ko nga, masakit sa lalamunan yung rides.
Pagpatak ng 12AM, fireworks display. Happy Valentine's Day na daw. Ayun.
12:30, or at least yan yung sabi sa mga reports, suspendido na yung fair para sa gabing yun. May nagiba nang bahagi nung bakod. May mga nasaktan na.
Nagsimula nang magsi-labasan ng fair grounds ang mga tao. Maraming takot. Maraming galit. Maraming nagulat. Marami ring di nakakaalam kung ano nang nangyari. Magkakasama lang kami nung mga kasama ko hanggang mga alas-dos o alas-tres. Ewan ko. Patay na phone ko nung mga oras na yun. Nasa loob lang kami hanggang kumonti na yung mga tao sa loob at yung mga taong naglalabasan.
Paglabas, me mga gago paring nanggugulo. Maisip-isip ko nalang sana kainin na sila ng lupa ng Sunken Garden. Pero hindi naman quick sand ang Sunken kaya di mangyayari yun. Bisitahin nalang sila ni Freddy Krueger.
Lakad na kami papunta sa boarding house nina Yanis at Deo. Dun kami nina Magi at Tekla naghintay ng umaga. Sina Rufa at Martin balik sa mga boarding house nila. Si Chad nauna na samin. Hinatid pauwi si Ena.
Pag-gising ko, 8:30 ng umaga. Valentine's day. May lakad ako. Uwian muna.
Susunod ang mga litrato. :D
1432.1523

Live action manga and video game parodies and anime bastardization, oh my!

0 Won't Keep It Inside:
Post a Comment
<< freak out